Sunday, September 27, 2009

Ako At Ang Baha

Nakakahiya...pero aaminin ko na.

Isa ako sa maraming Pilipino na biktima ng baha. Pero ang nangyari sa akin kahapon ang pinaka-nakakakilabot na kuwento na dapat isali sa mga listahan ng Philippines' Ultimate Baha Stories.

Ganito kasi yun.

Ala-una na ng hapon. Hindi pa rin tumitila ang ulan na halos Biyernes pa ng gabi bumubuhos. Paglabas ko ng internet shop, kitang-kita ang ebidensiya. Bumaha ng bonggang-bongga sa Santa Rosa Bayan. Wala akong magawa paalis na ako papuntang simbahan para sa aming mini-concert. Tinanggal ko ang medyas at sapatos ko para di mabasa at saka sumuong sa knee-deep na baha papunta sa isang tawagan. Naka-full battle gear ako. Red na kapote at umbrella na sira-sira. Pagdating doon ay tumawag ako sa bahay para sabihin ang mga pangyayari at para abisuhan ang kapatid ko. Wala ang kapatid ko doon. Nakaalis na ayon sa tatay ko. Sa oras na iyon ay inadvice na ako ni Itay na suong na lang ang baha dahil sa wala nang jeep na nangahas bumiyahe sa Bayan. Kaya labag man sa kalooban ko ay sinuong ko na ang baha habang dip masyadong umuulan.

2:30 ng hapon

Umulan nang malakas, hudyat upang magpatila sa isang tv repair shop. Ilang saglit ay pinagpatuloy ko ang aking adventure habang kumakanta ng theme song ng Dora The Explorer. Pagdating sa Tiongco, sumalubong sa akin ang malakas na agos ng baha na kahit ako ay kayang tangayin. Buti na lang ay may sinet-up na tali para hawakan. Sucessful!!!Para na rin akong sumubok ng isang extreme sport. Nagpatuloy ako sa padsuong hanggang nakaabot ako sa Tagapo. Doon ay isang jeep ang sinakyan ko pauwi. Salamat at nakaraos din. Akala ko lang iyun. Nag-short-cut na kami dahil baha na sa may Hi-way dahil umapaw na ang ilog malapit University of Perpetual Help-Binan. Akala ko, ligtas na kami. Pero pagdating sa may Olivarez, sumalubong sa amin ang napalakas na agos ng baha mula sa ilog na halos tatangayin na kami. Pero mapilit sa mamang drayber. Sinuong niya ang dyip para lang madismaya. Tumirik kasi. Nag-desisyon ang mga pasahero na suungin ang baha sa kanilang sarili. Isa na ako roon. Pagdating sa highway ay isa na namang tali ang aking kinapitan. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang Canlalay. Doon ay nakatagpo ako ng jeep ulit. Sa pangalawang pagkakataon, ay naisalba ang aking mga paa na nagka-sugat-sugat na. Pero ulit ay nadismaya na naman ako. Inabisuhan na kami na hindi na sila makakatuloy sa tulay pababa ng United. Kay ulit ay naglakad na naman ako. Kawawang paa. Pagdating pa sa United, halos malapit na sa baywang ang baha roon. Wala nang atrasan ito. Basa na kung basa. Tinuloy ko na ang huling stage ng aking adventure. Pagdating ng 6 ng gabi, nakarating na ako na buhay at may bahay pa akong matitirahan. Suwerte pa ako, ewan ko sa iba !!!

No comments:

Post a Comment