Wednesday, November 11, 2009

Citizen Perry Classic: Ang Sigang Bakla

Sinong di naka-miss sa sigang bakla ?

Eto siya, mula kay Hener ng GP Forums....

Thursday, October 8, 2009

World-Class;Panakip-Butas






WORLD-CLASS......

Nagpapanting na naman ang tenga kapag naririnig ko ang salitang ito. Parang sirang plaka.

ANG PILIPINAS AY TAHANAN NG MGA MAY TALENTO AT ANGKING GALING NA MAIPAG-MAMALAKI SA MUNDO.

Yan ang sabi ng ibang Pinoy at hindi naman tayo nagkakamali. Nandiyan sina Lea Salonga, Charice Pempengco, Arnel Ignacio (ay) Pineda pala (joke lang), at si Manny Pacquiao. Marami pang iba ang naglagay sa Pilipinas sa mapa ng mga sikat.
Pero naisip ko minsan. Hanggang pagkanta o pag-boboxing ang inaatupag nating ipagmalaki sa mundo? At tila nakiki-ride-in ang gobyerno sa kanilang kasikatan. Binibida pa nila na sila ang dahilan kung bakit unti-unting gumaganda ang imahe ng Pilipinas sa international community.
Galing naman yata nun. Naiangat ni Charice yung GDP at GNP rate ng Pilipinas dahil sa kanyang pag-guesting sa ELLEN at OPRAH. Nag-ze-zero-crime rate ang bansa kapag nakikipagsuntukan si Pacquiao sa Las Vegas. Ang galing naman ata yun.
Kung ako naman ang tatanungin ninyo, walang namang masama kung sila ay nakikipag-sabayan sila sa ibang larangan, ngunit ang gamitin sila ng gobyerno at ng media para lang pagtakpan ang ang lahat ng mga baho ng mga opisyal sa gobyerno at kahirapan ng ating mga kababayan ay ibang usapan. Si Imelda Marcos na nga lang, nagpatayo ng mga katakot-takot na mga gusaling pansining at ospital para masabing world-class tayo at mapansin naman tayo ng mundo. Pero hindi nagtagal, ang lahat ng mga gusali ay panakip-butas lamang sa lahat ng kahirapan at mga baho ng pamahalaan. Napaalis pa rin sila ng mga taumbayan.
Ang pagiging world-class natin ay hindi sapat para pagtakpan ang lahat ng ating mga problema. Pero habang ginagawa ito ng ating gobyerno, patuloy na magiging bangag ang Pilipino sa mga Charice Pempenggco, Ariel Pineda, at Manny Pacquiao. Patuloy silang sasambahin at gagawing pambangag habang unti-unting lumulubog sa baha ang buong Pilipinas !!!




PICTURES: 1 2

Monday, September 28, 2009

Isipin Muna Bago Magpaputok At Baka Mag-Backfire !!!

Habang ang ating mga kababayan ay nagdurusa sa hagupit ng bagyong Ondoy at patuloy na apela ng mga ka-FB at Youtubers ng tulong. Isang hate speech ang sumisirkulo sa mundo ng internet. Galing sa isang Pinay OFW na nagngangalang Jacques Bermejo. Sabi sa comment niya sa Facebook Group na "Definitely Filipino" and quote:

“buti n lng am hir in dubai! maybe so many sinners back der! so yeah deserving what happened!”

Agad na nag-react ang mga "Pilipino" at "ipinagtanggol" ang ating na-knockout na lahi. Bumaha sa Multiply at FB accounts niya ng katakot-takot na kritisismo at pananakot. Tinalo pa ata

Hindi ko kilala si Ms. Bermejo dahil di ko naman siya kaano-ano o kamag-anak. May mga tsismis na may hack ang lahat ng kanyang accounts. Yan sa ngayon ang hindi pa napapatunayan ng C.P.

Dito sa C.P. ay maingat sa pagbibigay ng mga komento sa mga ganitong isyu o pumanig kaninuman kung hindi ko naman nalalaman ang buong detalye. At habang ang isyung ito ay patuloy na pinag-uusapan. Ang masasabi ko na lamang ay dapat maingat tayo sa ating mga social networking accounts at mag-ingat din sa pag-popost lalo na kung ito'y makakasira sa damdamin ng mga "balat-sibuyas" na Pilipino.

KUNG WALA KANG SASABIHING MAGANDA, SABIHIN MO ITO NANG HINDI MAKAKASAKIT SA DAMDAMIN O KUNG HINDI TUMAHIMIK KA NA LANG !!!

TAPOS !!!

Sunday, September 27, 2009

Ako At Ang Baha

Nakakahiya...pero aaminin ko na.

Isa ako sa maraming Pilipino na biktima ng baha. Pero ang nangyari sa akin kahapon ang pinaka-nakakakilabot na kuwento na dapat isali sa mga listahan ng Philippines' Ultimate Baha Stories.

Ganito kasi yun.

Ala-una na ng hapon. Hindi pa rin tumitila ang ulan na halos Biyernes pa ng gabi bumubuhos. Paglabas ko ng internet shop, kitang-kita ang ebidensiya. Bumaha ng bonggang-bongga sa Santa Rosa Bayan. Wala akong magawa paalis na ako papuntang simbahan para sa aming mini-concert. Tinanggal ko ang medyas at sapatos ko para di mabasa at saka sumuong sa knee-deep na baha papunta sa isang tawagan. Naka-full battle gear ako. Red na kapote at umbrella na sira-sira. Pagdating doon ay tumawag ako sa bahay para sabihin ang mga pangyayari at para abisuhan ang kapatid ko. Wala ang kapatid ko doon. Nakaalis na ayon sa tatay ko. Sa oras na iyon ay inadvice na ako ni Itay na suong na lang ang baha dahil sa wala nang jeep na nangahas bumiyahe sa Bayan. Kaya labag man sa kalooban ko ay sinuong ko na ang baha habang dip masyadong umuulan.

2:30 ng hapon

Umulan nang malakas, hudyat upang magpatila sa isang tv repair shop. Ilang saglit ay pinagpatuloy ko ang aking adventure habang kumakanta ng theme song ng Dora The Explorer. Pagdating sa Tiongco, sumalubong sa akin ang malakas na agos ng baha na kahit ako ay kayang tangayin. Buti na lang ay may sinet-up na tali para hawakan. Sucessful!!!Para na rin akong sumubok ng isang extreme sport. Nagpatuloy ako sa padsuong hanggang nakaabot ako sa Tagapo. Doon ay isang jeep ang sinakyan ko pauwi. Salamat at nakaraos din. Akala ko lang iyun. Nag-short-cut na kami dahil baha na sa may Hi-way dahil umapaw na ang ilog malapit University of Perpetual Help-Binan. Akala ko, ligtas na kami. Pero pagdating sa may Olivarez, sumalubong sa amin ang napalakas na agos ng baha mula sa ilog na halos tatangayin na kami. Pero mapilit sa mamang drayber. Sinuong niya ang dyip para lang madismaya. Tumirik kasi. Nag-desisyon ang mga pasahero na suungin ang baha sa kanilang sarili. Isa na ako roon. Pagdating sa highway ay isa na namang tali ang aking kinapitan. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang Canlalay. Doon ay nakatagpo ako ng jeep ulit. Sa pangalawang pagkakataon, ay naisalba ang aking mga paa na nagka-sugat-sugat na. Pero ulit ay nadismaya na naman ako. Inabisuhan na kami na hindi na sila makakatuloy sa tulay pababa ng United. Kay ulit ay naglakad na naman ako. Kawawang paa. Pagdating pa sa United, halos malapit na sa baywang ang baha roon. Wala nang atrasan ito. Basa na kung basa. Tinuloy ko na ang huling stage ng aking adventure. Pagdating ng 6 ng gabi, nakarating na ako na buhay at may bahay pa akong matitirahan. Suwerte pa ako, ewan ko sa iba !!!

Sunday, September 20, 2009

Mag-Ingat Sa Mga Bulok Na Holdaper.

Note: Sa maniwala kayo't sa hindi, totoong nangyari ito sa mismong lugar namin.

Ano kaya ang feeling tinutukan ng baril sa kanang sentido ?

Yan ang tanong bumulabog sa isip ko kahapon. Linggo ng hapon, nagpaalam ako sa mga magulang ko na mag-iinternet ako. Umokey naman sila sa pangakong babalik ako ng maaga. Di naman kalayuan ang internet shop sa aming bahay at mura pa ang rate kaya ako na-enganyo. Mga bandang ala-sais y medya ng gabi, nasa kasarapan ako ng panonood ng The Simpsons at pag-update sa aking Facebook nang biglang may sumambulat sa harapan ko. Tinutok niya yung baril sa aking kanang sentido sabay sambit ng....

PERA MO !!!

Hala, patay na. Pero yun ang akala ko. Ibibigay ko na sana yung aking wallet nang dahil sa di malamang kadahilanan ay kumaripas ang takbo yung holdaper at yung kasama niya palabas at sumakay sa kanilang motor palabas ng village. Huli ko nang nalaman na dahil sa babae na akmang may tinatawagan at inakala ng mga holdaper na pulis iyon kaya nagkulasan sila. Balik sa kuwento, sa pagkakataong iyon ay isinara namin ang pintuan ng shop sa takot na baka bumalik ang mga holdaper with muching company. Tumawag ang may-ari sa kanyang kamag-anak para tumawag ng mga tanod habang iyak ng iyak yung babae dahil sa takot. Pero kung ako ang tatanungin ninyo, kalmado pa rin ang kalooban at walang senyales ng pagkatakot dahil kung gayon ay wala nang Citizen Perry na mag-susulat sa blogsite na ito. Tumawag na ako sa amin para sabihin ang nangyari at upang tumawag ng mga tanod. Dumating ang ilang minuto, naroon ang mga usisero at mga tanod. Doon na napalagay ang aking kalooban. Lumabas na kami. Ang resulta, tanging cellphone na pag-aari ng kapatid ng babae ang na-dekwat. Halatang mga amateur yung mga humoldap. Pero salamat sa Diyos, walang nakuha sa wallet ko o ang aking MP4 Player. At kung ibibigay ko pa iyon, tiyak dismayado yung mga iyon dahil 50 lang laman ng wallet ko.

Tatapusin ko na ang kuwentong sa isang panawagan sa mga bulok na holdaper na nag-assault sa amin: MGA BULOK !!! DUWAG !!! PARANG TAWAG LANG SA TELEPONO KUMARIPAS NA KAYO !!! MGA AMATEUR !!! BUMALIK NA LANG KAYO KAPAG PROFESSIONAL NA KAYO !!!

AT KAYO MGA PUMUPUNTA SA MGA INTERNET SHOPS, MAG-INGAT SA MGA BULOK NA HOLDAPERS !!!

Friday, September 11, 2009

Ano Ang Panama Ni Frank Sinatra?

"I want nobody, nobody but you !" "I want nobody, nobody but you !"

Nagpapanting ang tenga kapag nariring ko yung kantang iyon. Gusto ko na ngang sumugod sa Korea para sapakin kung sinuman ang gumawa nito. Pero naisip ko na baka balikan ako ni Kim Jong-Il at mabura sa mapa ang Pilipinas sa pamamagitan ng isang nuclear missile. Hindi ko na lang tinuloy. Pero paano kung ang kantang ito ang magdadala sa iyo sa kamatayan....
SAPAT NA DAHILAN ITO !!!

MGA LITRATO 1 , 2

Monday, September 7, 2009

Masarap Magbasa Ng Tabloid Habang Umiimom ng Energy Drink

Ayoko nang magbasa ng broadsheet dahil di na kaya sa allowance ko na bumili ng 20 Pesos na diyaryo na ang laman ay puro kaluhuan ng mga kung sinong mayayaman na hindi ko naman kilala. Kaya bumili na lamang ako ng Bulgar, isang pahayagang tabloid. Maliit, kasya sa bag, at mura. Yan ang tabloid. Pero ang mas-nagustuhan ko sa tabloid ay kung paano ibalita ang isang balita. Example:

Nilamon ng Manila Bay
MAGSYOTA TODAS SA HULING HALIK

Matalinhaga yung headline. Makata ata yung nagsulat.
Mas lamang pa yung mga showbiz headlines kesa sa mga tungkol sa pulitika. Krimen ang karaniwang main banner story. At tungkol sa pulitika, parang walang pinag-iba sa showbiz. Puro tsismis lang. Bombarded din ang Bulgar ng mga opinion columns mula sa mga pulitiko(na mukhang tatakbo) hanggang sa mga di ko na kilala. Di rin mawawala sa Bulgar ang showbiz column kung saan doon ko natagpuan si Cristy Fermin ( na matabil pa rin ang dila kahit wala na siya sa The Buzz).
Public service-oriented and very informative din ang Bulgar dahil nagbibigay sila ng mga tips tungkol sa pamilya, pag-ibig, at marami pang-iba. Sa Horoscope page ko nakilala si Maestro Honorio Ong or (siya ay walang koneksyon sa idol kong si Bob Ong). Kaya niyang basahin ay iyong kapalaran sa pamamagitan ng baraha, numero, at palad. Puwede mo pa siyang i-text. Tiyak, instant sagot na, instant reply pa !!! Tungkol sa sex at love life, si Roma Amor ang bahala diyan(ewan ko kung trip-trip ng mga magulang niya na bigyan siya ng ganung pangalan). Meron din silang classified ads na kung minsan ay may naliligaw na tulad nito:

ADULT TOYS FOR MEN & WOMEN
PAMPAHABA-TABA, PAMPATIGAS, PAMPATAGAL, PAMPAGANA, DAGDAG KATAS, ALL in ONE Pills, ENLARGER PUMP,VIBRATORS, STRAP ON, DILDOS, REALISTIC VAGINA, SEX RING *P 300/box up* FREE PAMPAGANA* FREE DELIVERY*

Bilang pagtatapos, may trivia ako sa inyo....

UMAATAKE SI TANING PAG ALAS-3 NG MADALING ARAW !!!


GULAT KA 'NO ?!! SAAN KO NALAMAN ? NABASA KO LANG SA....




LITRATO GALING DITO