Sunday, September 20, 2009

Mag-Ingat Sa Mga Bulok Na Holdaper.

Note: Sa maniwala kayo't sa hindi, totoong nangyari ito sa mismong lugar namin.

Ano kaya ang feeling tinutukan ng baril sa kanang sentido ?

Yan ang tanong bumulabog sa isip ko kahapon. Linggo ng hapon, nagpaalam ako sa mga magulang ko na mag-iinternet ako. Umokey naman sila sa pangakong babalik ako ng maaga. Di naman kalayuan ang internet shop sa aming bahay at mura pa ang rate kaya ako na-enganyo. Mga bandang ala-sais y medya ng gabi, nasa kasarapan ako ng panonood ng The Simpsons at pag-update sa aking Facebook nang biglang may sumambulat sa harapan ko. Tinutok niya yung baril sa aking kanang sentido sabay sambit ng....

PERA MO !!!

Hala, patay na. Pero yun ang akala ko. Ibibigay ko na sana yung aking wallet nang dahil sa di malamang kadahilanan ay kumaripas ang takbo yung holdaper at yung kasama niya palabas at sumakay sa kanilang motor palabas ng village. Huli ko nang nalaman na dahil sa babae na akmang may tinatawagan at inakala ng mga holdaper na pulis iyon kaya nagkulasan sila. Balik sa kuwento, sa pagkakataong iyon ay isinara namin ang pintuan ng shop sa takot na baka bumalik ang mga holdaper with muching company. Tumawag ang may-ari sa kanyang kamag-anak para tumawag ng mga tanod habang iyak ng iyak yung babae dahil sa takot. Pero kung ako ang tatanungin ninyo, kalmado pa rin ang kalooban at walang senyales ng pagkatakot dahil kung gayon ay wala nang Citizen Perry na mag-susulat sa blogsite na ito. Tumawag na ako sa amin para sabihin ang nangyari at upang tumawag ng mga tanod. Dumating ang ilang minuto, naroon ang mga usisero at mga tanod. Doon na napalagay ang aking kalooban. Lumabas na kami. Ang resulta, tanging cellphone na pag-aari ng kapatid ng babae ang na-dekwat. Halatang mga amateur yung mga humoldap. Pero salamat sa Diyos, walang nakuha sa wallet ko o ang aking MP4 Player. At kung ibibigay ko pa iyon, tiyak dismayado yung mga iyon dahil 50 lang laman ng wallet ko.

Tatapusin ko na ang kuwentong sa isang panawagan sa mga bulok na holdaper na nag-assault sa amin: MGA BULOK !!! DUWAG !!! PARANG TAWAG LANG SA TELEPONO KUMARIPAS NA KAYO !!! MGA AMATEUR !!! BUMALIK NA LANG KAYO KAPAG PROFESSIONAL NA KAYO !!!

AT KAYO MGA PUMUPUNTA SA MGA INTERNET SHOPS, MAG-INGAT SA MGA BULOK NA HOLDAPERS !!!

No comments:

Post a Comment