WORLD-CLASS......
Nagpapanting na naman ang tenga kapag naririnig ko ang salitang ito. Parang sirang plaka.
ANG PILIPINAS AY TAHANAN NG MGA MAY TALENTO AT ANGKING GALING NA MAIPAG-MAMALAKI SA MUNDO.
Yan ang sabi ng ibang Pinoy at hindi naman tayo nagkakamali. Nandiyan sina Lea Salonga, Charice Pempengco, Arnel Ignacio (ay) Pineda pala (joke lang), at si Manny Pacquiao. Marami pang iba ang naglagay sa Pilipinas sa mapa ng mga sikat.
Pero naisip ko minsan. Hanggang pagkanta o pag-boboxing ang inaatupag nating ipagmalaki sa mundo? At tila nakiki-ride-in ang gobyerno sa kanilang kasikatan. Binibida pa nila na sila ang dahilan kung bakit unti-unting gumaganda ang imahe ng Pilipinas sa international community.
Galing naman yata nun. Naiangat ni Charice yung GDP at GNP rate ng Pilipinas dahil sa kanyang pag-guesting sa ELLEN at OPRAH. Nag-ze-zero-crime rate ang bansa kapag nakikipagsuntukan si Pacquiao sa Las Vegas. Ang galing naman ata yun.
Kung ako naman ang tatanungin ninyo, walang namang masama kung sila ay nakikipag-sabayan sila sa ibang larangan, ngunit ang gamitin sila ng gobyerno at ng media para lang pagtakpan ang ang lahat ng mga baho ng mga opisyal sa gobyerno at kahirapan ng ating mga kababayan ay ibang usapan. Si Imelda Marcos na nga lang, nagpatayo ng mga katakot-takot na mga gusaling pansining at ospital para masabing world-class tayo at mapansin naman tayo ng mundo. Pero hindi nagtagal, ang lahat ng mga gusali ay panakip-butas lamang sa lahat ng kahirapan at mga baho ng pamahalaan. Napaalis pa rin sila ng mga taumbayan.
Ang pagiging world-class natin ay hindi sapat para pagtakpan ang lahat ng ating mga problema. Pero habang ginagawa ito ng ating gobyerno, patuloy na magiging bangag ang Pilipino sa mga Charice Pempenggco, Ariel Pineda, at Manny Pacquiao. Patuloy silang sasambahin at gagawing pambangag habang unti-unting lumulubog sa baha ang buong Pilipinas !!!

No comments:
Post a Comment