Nagagalit na si Sen. Miriam Santiago sa mga pulitikong may mga infomercials sa tv at radyo. Ang sabi niya, dapat silang imbestigahan kung saan nanggagaling ang kanilang perang ginamit sa mga infomercials. Pero sabi ng COMELEC, wala silang kapangyarihan para tanggalin ang mga informercials dahil hindi pa naman sila nagdedeklara ng kandidatura. Ang galing talaga ng mga pulitiko natin. May utak na, magaling pang lumusot. At tulad ng COMELEC, wala tayong magagawa dahil nandyan na 'yan. Pero tingin ko, araw-araw na tayong binobomba ng mga pagmumukha ng mga pulitikong ito. Sa mga road projects, andiyan sila sa mga tarpaulin. Pag may mga espesyal na okasyon ,kasama ang lamay, naroon din sila. Kaya hindi na bago sa akin ang mga ganitong eksena. Sa advertising, meron tayong tinatawag na "presence" o ang pagpapakilala o pagpapaala na hindi na kailangan direktang ibenta ang sarili. Kaya saludo ako sa mga pulitikong ito na gumawa ng palusot para hindi sila husgahan na "maaga silang nangangampanya". Nagawa ninyong baluktutin ang mga batas para naman pumanig sa inyo mga interes. Dapat lang kayong gawing "cum laude" sa pagbabaluktot.
No comments:
Post a Comment