Sunday, August 30, 2009

Citizen Perry's Second Podcast

Featuring my story on our title defense. Enjoy !!!


Citizen Perry Podcast 002.mp3 - Citizen Perry

Friday, August 28, 2009

Citizen Perry Podcast 001

This is my first podcast. Medyo groggy po ako nung ginawa ko po ang podcast na ito. Galing kasi sa tulog. Anyways, enjoy !!!


Citizen Perry Podcast 001.mp3 - Citizen Perry

Thursday, August 27, 2009

Info-Loko-Mercials

Nagagalit na si Sen. Miriam Santiago sa mga pulitikong may mga infomercials sa tv at radyo. Ang sabi niya, dapat silang imbestigahan kung saan nanggagaling ang kanilang perang ginamit sa mga infomercials. Pero sabi ng COMELEC, wala silang kapangyarihan para tanggalin ang mga informercials dahil hindi pa naman sila nagdedeklara ng kandidatura. Ang galing talaga ng mga pulitiko natin. May utak na, magaling pang lumusot. At tulad ng COMELEC, wala tayong magagawa dahil nandyan na 'yan. Pero tingin ko, araw-araw na tayong binobomba ng mga pagmumukha ng mga pulitikong ito. Sa mga road projects, andiyan sila sa mga tarpaulin. Pag may mga espesyal na okasyon ,kasama ang lamay, naroon din sila. Kaya hindi na bago sa akin ang mga ganitong eksena. Sa advertising, meron tayong tinatawag na "presence" o ang pagpapakilala o pagpapaala na hindi na kailangan direktang ibenta ang sarili. Kaya saludo ako sa mga pulitikong ito na gumawa ng palusot para hindi sila husgahan na "maaga silang nangangampanya". Nagawa ninyong baluktutin ang mga batas para naman pumanig sa inyo mga interes. Dapat lang kayong gawing "cum laude" sa pagbabaluktot.

Friday, August 21, 2009

Passed Out


Isa na siguro sa pinakamalaking kahinaan ko ang antok. Kahinaang kailangang labanan. Kagabi, nagpaalala naman ang kalangitan sa kasalanan ginawa ko, ANG MATULOG SA SIMBAHAN SA HARAPAN PA MISMO NG PASTOR !!!
Hindi ko kung bakit ito ang laging drama ko pag araw ng Linggo. Maayos naman ang araw ko. Natulog naman ako ng tama sa oras. Nakikinig naman akong mabuti. Anong mali sa ginawa ko ?
Inaamin ko naman na kasalanan ang tulugan ang Diyos habang nagsasalita siya, eh kung ginawa mo naman ang dapat kong gawin, wala talaga akong magagawa. Magalit na kayo sa akin pero ginagawa ko na talaga ang tama.

Bono's quote on 4:02

Monday, August 17, 2009

How To Destroy Manny Pacquiao ?

Okay, so we all know Manny Pacquiao, right ? He is one of the greatest pound-for-pound boxers of all time. And we don't to mention his long list of titles because it's gonna make my mind blow and you cannot see me anymore. But what the Pacman does with my blog? Well, I created a formula on how to destroy this man whom they called " THE MEXICAN DESTROYER". Here's how:
1) TAKE A BUNCH OF POLITICANS ON EVERY SIDE OF HIM- Para naman yung mga pulitiko naman yung makita sa bawat tv at diyaryo at hindi ang ating Pambansang Kamao. Tutal naman, agaw-pansin itong mga 'to kapag nababalita si Pacquiao. Magaling mang-agaw-trip. Epektib !!!


2)ENGAGE HIM TO POLITICS- Sulsulan si Pacman na tumakbo ulit sa darating na halalan. Total naman, maraming pera si Pacman na pinaghirapan niya sa pag-bubuksing. Gamitin ang pera sa pagbili ng mga boto.



3)MAKE AN ALBUM THAT EVERY MASA SHOULD SING ABOUT- Gumawa ng katakot-takot na bilang ng albums para kay PACMAN para gawing katawa-tawa ng lahat ng mga manonood sa kanya.Pero malay mo, mag-number 1 sa MYX DAILY TOP 10 o ma-nominate sa AWIT AWARDS o di kaya, hirangin siyang NATIONAL ARTIST


4)CREATE A SHOWBIZ CAREER- Kulitin si Pacman para gumawa ng mga pelikula tulad ng Anak ni Kumander kung saan bida siya. Punuin ng mga walang-kakuwenta-kuwentang mga intriga tungkol sa kanya sa mga diyaryo at telebisyon. Gumawa ng mga sitcoms tulad nito:



Malamang ay distract na siya sa pag-bubuksing at hindi na siya matagumpay sa mga susuunod na mga laban sa hinaharap. Adding insult to injury is Aling Dionesia.


Sana nakatulong ang mga tips ko sa inyo para sa gustong sirain ang carrer ni Pacman. Sana ay suwertihin kayo. Huwag kalimutang humingi ng tulong kay Bigote upang magtagumpay.

P.S. Nakalimutan kong idagdag sa listahan ang gumawa ng mapanirang blog gaya nito !!!

Pictures 1 2 3 4 5
Videos 1

Saturday, August 15, 2009

The Brouhaha Of Primetime TV (PART 2)




















We continue our previous blog regrading our observations on your favorite primetime telenovelas.

4) HEAVY PROMOTIONS- This is how noontime shows do their best. Create a grand launch for a soap opera composed of a bunch of singers, dancers, and the whole cast itself. And it does not stop there, you go round the different shows and put moving graphics below the screen to promote the soap opera. Now that's what you call "too much".

5)SPIN- OFFS- Have you ever noticed that some of our favorite soap operas on primetime tv are spin-offs from movies, songs, or even foreign telenovelas. Which means we have a creativity crisis here.

6)THE "ONE-LINER" TITLES- PANGAKO SA IYO, MAY BUKAS PA, TAYONG DALAWA. These good examples of "one-liners" make a mark to every tv audience. Why don't we try this: NGAYON AT KAILANMAN, HINDI KITA IIWAN DAHIL NANDITO AKO PARA SA 'YO AT MAMAHALIN KITA NG TUNAY AT WALANG HALONG PAGKUKUNWARI AT NG BUONG KATAPATAN (catches some breath).

And as I end this post, I hope that somebody would end this brouhaha. It's not funny anymore.

I'M MAD AS HELL, AND I'M GONNA TAKE THIS ANYMORE !!!
-Howard Beale, from the movie, "NETWORK"

Pictures: 1,2

Thursday, August 13, 2009

The Brouhaha Of Primetime TV















I do not know how telenovelas became a hit to the Filipinos especially to the urban poor. But what I know is that the "Marimar Fever" that swept the Phlilippne shores on 1996. It toppled the news program TV Patrol, which was then anchored by Noli De Castro(not related). Hindi pa siya pulitko noon. And since then, ABS and GMA followed the "Marimar Formula" and until now, it became a national pastime.

C.P. asked an urban poor...

C.P. :Nanood ba kayo ng Gossip Girl?
U.P.:Ano yun?
C.P.: Iba na lang, 90210?
U.P.:Ano ba yun? Bagong number ng pulis?
C.P.: Eh Rosalinda, nanonood ba kayo?
U.P.: AH, OO SIYEMPRE !!!

C.P. disappointedly departs from the slum...

Anyway, because we don't have cable tv to watch Discovery and ANC, and because of the poor signal of Studio 23, I have no choice but to watch this kind crappy telenovelas. I made my own investigation and here are my observations regarding the popularity of Pinoy telenovelas....

1) MUSHY SCENES- Love is the common theme for any telenovelas. That's the rule. You must inject romantic scenes in these shows to give a boost to the fans their favorite love team and also the show's ratings. Also you can add some lusty scenes to stimulate the sexual senses of every men.
2) CONFRONTATIONS-Slapping, punching, cursing, and fighting, but not on the boxing ring. If you want a good telenovela, you need to add violent scenes to get attention of the viewers. Make sure that MTRCB won't warn on that.

U.P. 1 : Sige sampalin mo siya.
U.P. 2: Sige suntukin mo yang bruha na 'yan.
U.P. 3: O sige, pustahan na !!!

3) LENGTHY COMMERCIALS- Alam mo yung classic na tagpo kapag pinutol yung inaabangan mong eksena sa telenovela ng mga mahahabang commercial. Magmumura ka at sisihin mo yung mga patalastas sa TV. Kulang na lang, sipain yung TV. Ganun talaga. Kumikita ang isang palabas dahil sa mga commercials na ang bida ay mga bida rin sa mga telenovela. And you cannot blame them because that is all in the name of business.

MORE OBSERVATIONS COMING UP ON THE NEXT POST !!!

Pictures from: 1,2

Tuesday, August 11, 2009

Mabulunan Ka Sana !!!

Ano kaya ang mararamdman mo kung ang presidente mo at ang mga alipores niya ay kumakain sa isang mamahaling restaurant at nagbayad ng kulang-kulang na 1 milyong Piso?

Take Note....

ISANG MILYONG PISO !!!

Ganito na ba ka-insenstibo ang ating gobyerno sa kalagayan ng ating mamamayan? Habang gutom ang karamihan sa ating mga mahihirap, eto ang mga nasa puwesto, kumakain ng magagara at masasarap na pagkain. Pinapakita lamang ng balitang ito sa New York Post ang kamalian sa ating sistema.
Hindi ito isyu ng karapatan nilang kumain ng masarap. Ang isyu dito ay ang delikadesa at sensibilidad ng mga nasa puwesto. Maaatim mo ba na habang namamatay yung kababayan mo sa gutom, eto ka at kumakain sa isang mamahaling restaurant at kumakain ng mga masasarap na pagkain, kahit ba sariling pera ang ginamit mo sa pagbayad nito.
Maski si Leyte Congressman Martin Romualdez, ayaw magsalita. Daanan ba naman ang media. Baka masakit ang ngipin o masakit ang tiyan.

MEDIAMAN: Daanan ba naman kami, eh iinterbyuhin lang naman namin siya kung totoong sa kanyang bulsa yng perang ginamit niya sa pagbayad sa pagkain. Ganito na ba katapobre ang mga nasa gobyerno. Eh kung taga-Leyte lang ako, duraan ko kaya mga poster niya kapag tumakbo pa yang congressman. Mabulunan sana siya !!!

Oo nga naman, kung ako ang tataungin niyo, mamamtay na lang akong dila't ang mata sa gutom kesa mamatay sa atake sa puso. Kaya sa iba d'yan na walang delikadesa at pakiramdam,

MABULUNAN KA SANA !!!




Sunday, August 9, 2009

Back To Square One

A year ago, gumawa ako ng sarili kong blog na pinamagatang, "Pinoy Epal". Tumagal ito ng halos pitong buwan at umani ng kaliwa't kanang mga comments. After nun, gumawa pa ako ng iba pang blogsites na tumagal langng ilang araw.

At ngayon, back to square one ako....

Nag-iisip ako kung anong bagay ang isusulat ko sa blog na ito. Kuwento, jokes, mga nakakatawang litrato, mga bagay na kumakalikot sa aking sub-conscious na bahagi ng aking isipan, at kung anu-ano pa. Tinanong ko na kung bakit ba nauso ang blog ?

Nauso ang blog dahil naging alternatibong paraan ito upang ipahayag ang kanilang mga saloobin ukol sa mga bagay-bagay sa mundong , mula showbiz hanggang pulitika. Sa blog mo puwede mong ilabas ang sama ng loob sa mga nasa gobyerno. Mas safe ito kesa magprotesta ka sa kalsada at babatuhin ka pa ng tear gas at papaluin ka pa ng batuta at truncheon. Yun ay kung sa Pilipinas ka dahil maski pagsusulat sa pamamagitan ng blog laban sa gobyerno ay ipinagbabawal sa ibang bansa.

Ang blog ay bahagi ng "fifth estate" ng isang democratic society. Di basta-basta kayang kontrolin ng ilang mapagsamantalang kumpanya.

Lumayo na tayo sa pinag-uusapan natin, hanggang ngayon, wala pa rin akong maisip para sa blog ko. Baka sa susunod, pag medyo okey na ang utak ko, magulo pa kasi sa dami ng mga pangyayari !!!

Kaya bilang opening, ako po si CITIZEN PERRY, MADALING KAUSAP, MAHIRAP HANAPIN !!!